2009

Another season (or year) of wishes, to-do’s, and other whatchamacallit’s. 2008’s been pretty kind to me (as opposed to 2007 that very very cruel 2007) and I’m hoping the rest of the Q4 would be as awesome as the rest, if not more.

1. Renew my Flickr account. It’ll expire around my birthday *wink* *wink. Haha.

2. Pay for the domain (around January). Hmmm maybe I should just pay for a five-year plan. Or maybe get my own hosting account (heehee, currently sponging off space from Moogs).

3. Another winter jacket — with a hood this time. And probably with the fur around said hood (para suzyal hahaha). And dapat in a different color than the one I had last year para astig sa pictures haha.

4. SanSan’s (my Sandisk Sansa player) successor? Hmmmm. Inggit ako kay Vivi ni Vanush eh. Pero saka na yan, buhay naman pa si SanSan.

4.1. Or baka eto na lang.

5. Angas video card — para malaro ko na yang tinginingining na NBA Live 2K9 na yan.

6. Beach!

7. A Katie Gearlds jersey.

8. SB 600 Flash.

9. Korea at March. ^_^

10. Singapore at July. ^_^

11. Giant camera bag (coz my first one’s too small for my gear — yehess …). WAHAHAHAHA. ^_^ Got it, but not really (yet). ^_^

12. TBD.

* * *

Kelangan ko na yatang gumawa ng panibagong ganito ^_^ Majority ng nakalista dito eh nakuha ko naman so maraming-maraming salami sa kung sinuman ang nagbigay (thank you, self) ng nasa listahan ko. Aylabeeet!

2008

Kahit na hindi ko ramdam ang Pasko. Kahit na talagang malamig kahit na ano pa mang gawin ko — dahil literal na malamig talaga. Kahit na alam kong karamihan sa mga sumusunod ay hindi naman katupad-tupad. Hala, sige lang.

1. Sana tuluyan na akong gumaling at hindi na maulit pa ang nakakalokang pagpapaospital ko. Hindi nakakatuwa ang manatili nang 2 buwan nang wala kang makausap man lang - wala, kasi lahat sila nagni-Nihongo. Kumusta naman yun di ba? MEDS DONE! Next checkup –> May 2008.

2. Isang pares ng nagsusumigaw na Audio Technica na headphones. Yung puti. Kung pwede i-level up, yung Bose o di kaya Sennheiser na lang. Bakit - libre naman mangarap ah.

3. Yung dinadasalan kong Nike winter jacket sa Nike Outlet Store sa Minami-Osawa. Kaunting pangugulit pa sa sarili, bibigay na ko. Pero hindi pwede. Isang lapad din yun. Ahaha, hindi rin ako nakatiis at binili rin.

4. Iba-ibang kulay ng mga turtleneck sa Uniqlo. Di ko na kelangan ng turtlenecks. Spring na eh.

5. Friendship. Easy friendship. Yung tipong hindi na nag-aalangan pang humirit dahil hindi na matatakot pang makasakit ng damdamin. Isang friendship na walang halong ampalaya. Nawa. Pero maaga pa para hilingin iyan. Hinay, hinay lang, Tina. Thank you, kilala mo kung sino ka :)

6. Ma-fast forward dun sa binabalak kong gawin. Yun bang tipong hindi na ko dadaan dun sa mga kung anu-anong papansin. Anak ng ewan naman kasi. Hindi ko naman ginagawa to dati bakit ba ako nagsisimula ngayon? Bakit ba ako masyadong interesado? Pwede bang pansinin na lang niya nang hindi na kailangang magpapansin? Haaay.

7. Makaalis na ako sa kinalalagyan kong limbo.

8. Ang pinakamimithing Nikon D40. Bakit D40 lang at hindi D40X or Canon EOS? Basahin ang susunod na wish. CHECK na ito — meet NOODLES.

9. Magkaroon na ng sosyal na kapalit si Chippy. Ibig sabihin, sana makabili na ako ng hindi 2nd-hand na laptop sa May. Sana nandito pa rin si Kaye para makatulong sa akin ma-avail ang one day Lenovo sale na yun. Di na Lenovo yun nabili ko. Buhay na si Suzie Derkins — ang twin sister ni Chippy. Intel Quad-Core 2GHz, 4GB DDR-800, 500GB HDD, 22″ LCD Monitor and so on and so forth. Wooohoo!

10. Maibalik ang mga dating pagkakaibigang nasira ko dahil sa kakaibang freak out reactions sa mga hindi inaasahang pangyayari. Pasensiya na talaga. Hindi ko talaga kayang i-handle ang pagbabago ng status quo. Unti-unti nang naaayos. Sana magtuloy-tuloy na ito.

11. Malaman ko na at makapagdesisyon na kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Pero hindi ko naman sinasabing alam ko na dapat ang plano ko next year, at next 5 years, at next 10 years. Kuntento pa rin ako sa next week. Pero sana magkaroon naman ako ng direksyon.

12. Ikaw. Oo, ikaw. Baka ikaw na kasi yung hinihintay ko. O baka rin sa ‘yo ako nagpapapansin pero hindi mo lang alam (kasi guni-guni ko pa lang ‘to, as of the moment). Baka, di ba? :) Isa lang masasabi ko –> ^_^

13) Flickr Pro Account - yes, *wink**wink* at Joey. Umoo ka na ha? Tenchu Meemax and Kayiii!

14) UP Centennial Blue Book - UP 2008 Planner yata ito. *wink* *wink* at Athan and Madam. Sige na sige na sige na. Yehess, okay na ito. Shipping na lang ang problema. Maraming-maraming salamat, Yebah! :D

15) Pinag-iisipan ko pa kung isang Les Paul na gitara — pwede na ring Ibanez, o bass na lang dahil walang bass sa bahay. Nang makumpleto na ang aming bandang Asian Girls Next Door 305 (hehehe).

15) Black with pink accents Nike Triax Roar na wristwatch. May URL ako nung product sa rakuten. Hehe. Thanks Granmader Khen! Aylabsit!

16) Checkered drapes. Yung isang window na lang! Malapit na matapos ito.

17) Ang buwan - pakisungkit nga ng buwan. Nang-iindyan ng photoshoot eh. With the help of Varvara, my 55-200mm VR zoom lens, eto ang resulta.