Project Tagalog

Bakit ba sadyang napakatagal
ng paggalaw ng oras na ubod ng bagal,
lahat na lang ng bagay nuknukan ng tumal
kapag wala ang ‘yong mga kwento’t daldal?
[ 2008.03.21.11.26 ]

Tags:

Napakahirap ang mawala sa Shinjuku-Eki,
napakaraming lilikuan, napakaraming dadaanan;
malalang nagsusumiksikan ang mga taong
nagmamadaling makarating sa nais patunguhan.
Nahihilo na ako’t di ako magkandaugaga
sa pagtingin at pagbasa ng mga karatula
na mukhang nanggaling pa sa ibang planeta,
hiragana, katakana, hieroglyphics, nak ng tokwa.
Pero hala, teka lang, nasaan na ba ako?
Di ko na maalala lahat ng padiretso’t paliko-liko.
Para pala itong pagbabasa […]

Tags:

Dati-rati’y kayang-kaya kong paduguin
ang papel nang dahil at para sa ‘yo,
mga gunitang kasama ka’y lumutang-lutang
sa malapot na sabaw ng magulong utak ko.
Ngunit kaiba na rin ang ngayon siguro,
pati hangin ibang direksyon na kung umihip.
Ni katiting na kurot sa puso’y wala na,
bahagyang lumuwag itong isip kong masikip.
Wala na talaga akong maramdaman,
inspirasyon ay wala na ring mapaghugutan;
tengga, […]

Tags:

Kapag sinabi ko sa iyo
na ikaw ay nakatira na sa utak ko,
aba aba, katapusan na ‘yun ng mundo.
Pigilan iyang namumuong reklamo sa bibig mo,
huwag ka naman nang mag-usisa pa lalo
kung anuman iyang ibig sabihin ng sinabi ko.
Huwag akalaing di ko kayang iwasan
ang lahat ng “ano” at “bakit” mo na ‘yan,
kaya ko, pero wag mo na […]

Tags:

Ganito pala ang pakiramdam
ng taong tuloy-tuloy na nalulunod.
Kahit anong pilit mong umahon,
ang pagkakataon ayaw talagang umayon.
Ganito pala ang pakiramdam
ng nawawasak ang puso paunti-unti –
nadudurog, nagpipira-piraso, natutusok
ng mga karayom hanggang tumigil sa pagtibok.
Ganito pala kapag nasasaktan,
nakakamanhid, nakakatanga naman pala talaga.
Nakakasira ng ulo, nakakabuwang,
parang nilalatigo ang sugat na nakatiwangwag.
Ganito pala — punyeta naman o.
Bakit ko ba hinayaang […]

Tags:

Traydor itong pakiramdam na to.
Kahit ilang beses mong sabihing
ayaw mo na,
tama na,
suko ka na,
babalik at babalik pa rin siya,
tatalunin ka,
papaluhurin ka,
ay, tinginingining naaaaaaa…
utang naman ng loob,
puso ko’y pagpahingahin mo na.
————-
@ Krotone : Sapul ka ba? Gagamitin kitang buffer na rason para sa tulang ito. Sinubukan ko lang i-eksplika iyang sitwasyon mo. Sana swak. :p Haha. […]

tula-lalalala | Originally uploaded by kilcher

Sumagi ka na naman
sa naririndi nang isipang ito.
Bumibilis ang tibok,
kinakabog itong pariwarang puso ko.
Hindi mapigilan ang daloy
ng mga salitang hindi ko rin
mawari kung saan hinuhugot at nagmumula.
Basta ang mahalaga lamang
ay ikaw, ikaw, ikaw,
at ang ngiti mong napakaliwanag,
kumikinang, kumukutitap, nakakabulag.
Oo, ikaw, ikaw nga,
kahit dati pa, ikaw lang naman talaga.
——-
Hoy, IKAW, […]

Tags:

Gawa ng kapatid ko ang imaheng ito. Matatagpuan ang mga obra niya sa kanyang DeviantArt. Phase 1 lang yata ito dun sa pinapagawa ko sa kanya (finished product). Binalahura ko at nilagyan ng mga letra. Hihihi, pasensiya na.

Tags: ,
  • Kilcher101


    Kilcher is a software engineer, basketball Seattle Storm addict, scatterbrain, and emotikon currently stationed in the outskirts of Tokyo. Hobbies include sleeping, watching TV shows, emoting, and taking pictures of herself (emotive self-portraits rule!). She also tries to write something sensible when inspiration strikes. Read more ...
  • Kilcher's Wall

    Latest on Thu, 17:43

    kilcher: merry christmas js bach :)

    JS BACH: DEC 25 1:13 AM ---> Merry Christmas Kilch!

    kilcher: OC :p ayus lang.

    aiz: ahoy. ngayon lang ulit ako nakabalik dito. ang linis naman dito. amuy-OC. ;) musta?

    kilcher: ayuz! tanoshinde :D


    » Click to Leave a Reply





    Kilcher's Wall RSS Feed

  • Twitter

    Powered by Twitter Tools.

  • Countdown

    • Back to Tokyo:
      in 9 days, 10 hours, 41 minutes
  • Game Skeds

    January 2009
    M T W T F S S
    « Dec    
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    262728293031  
  • Recent Comments

  • Tag Cloud

  • Categories

  • Storage Bin

  • Reading List

  • Meta