Acrophobia

// July 15th, 2008 // Photo Blog, Poetry, Project Tagalog

Day 061 : Falling is only good if you don’t meet the floor.

bakit ba ang lalim naman yata nito?
puro paa’t kawalan ang nakikita ko.
kakaibang takot, nakakasira ng ulo,
sa kinatatayuan ko’y mukhang mapapako.

bakit ba may nanunulak na lang bigla?
kitang-kita mo nang hindi pa nga handa.
una-ulo kaya akong makikipagkilala
sa sementong matagal nang tumitingala?

bakit kaya ang lalim ng babagsakan ko?
aba’y hindi na talaga nakakaaliw ito.
ayos lang sana kung mayroong sasalo
o kaya hawak na lang sana ang kamay mo.

【1:01 2008/07/15】

————————-

Woohoo, nakapagsulat din. Finally :)

2 Responses to “Acrophobia”

  1. madam says:

    pag nasa mataas na lugar ka ba, natatakot ka kasi baka mahulog ka o natatakot ka kasi baka tumalon ka?

  2. kilcher says:

    mas natatakot akong baka may tumulak sa kin, yung malaglag ka nang hindi ka pa handa. kebs lang naman tumalon, wag lang yung parang inagaw sa yo yung desisyon :)

Leave a Reply

< / #content -->