.

// May 22nd, 2008 // Poetry, Project Tagalog

Nakakatakot ang maglakad sa kawalan
na hindi sigurado ang patutunguhan,
ang maglakbay na walang sinusundan,
ang bahala nang mapunta sa kung saan.

Isiping lulan ka ng sasakyang tatahak
sa kahit anong baku-bako at lubak
kaliwa, kanan, liko, diretso, di tiyak,
manibela’y mga kamay mo ang may hawak.

Kayanin mo kaya ang walang kasiguruhan
at ibasura ang mapang pinagkakatiwalaan?
Ang maligaw, mawala, magulumihanan,
hayaang tangayin ng agos ng kapalaran?

Isnabin na ang alinlangan at sige sumabak
na lang sa kahit ano kahit man ikapahamak.
Di lahat ng bagay ay pinaplano’t binabalak,
minsan minsa’y sulit rin naman ang di tiyak.

[ 11:50 2008/05/22 ]
Photo

12 Responses to “.”

  1. kaye says:

    yes!!! nagawa mo!!! kaso wala ung “parak”, “uwak”, “tagak” :D
    galing galing naman tina :D

  2. kilcher says:

    harharhar kasi naman papano ko naman isasali dyan yung “PARAK”?

    keber lang kahit harangin ng parak
    batuhin mo na lang ng bote ng alak
    o di kaya ayain na lang siyang lumaklak
    humuli at mag-ihaw ng pulutang uwak.

    HAHAHA.

    shet, “TAGAK” na lang!

  3. kaye says:

    yebah!!! o di ba? pumasok!!! kaso wala pa si tagak :D

  4. kilcher says:

    hindi na kaya ng powers ko hahaha. gutom na gutom na.

    oi krotone, astig ang bora pics, pa-cheeseburger ka naman! burger! burger!

  5. kaye says:

    hahahahah!!! sure! pero dapat nandito ka :D hehehehe

  6. exkilcherstalker says:

    sigurado ako di hamak
    imposible ang pagputi ng uwak
    gayun din ang pag-itim ng tagak
    lalo pa ang pagtino ng parak

    para saan ba ito? =)

  7. kilcher says:

    @jeyel hahaha para sa … teka nga, para san nga ba to? hindi ko alam hahaha.

    letse kasing “tagak” yan eh.

    burger! burger!

  8. madam says:

    hahahaha! ganyan ako. kung saan mapadpad, go! kaladkarin eh. hehehe

    btw, pasensya na kung di nakakadaan lately. super busy. miss ko na magcomment at magblog. sana magkapanahon.

  9. kilcher says:

    @madam

    shet sa bubai ka nga pala ano? hindi pa nga ako nakakarating doon. atsaka walang net hahaha. :p pakabit ka na ng net kasi. :D

    kebs lang, tapos na ang maliligayang petix moments nating lahat. haha. pati ako – wudyubilib? :D

  10. erika says:

    uuuuyy, rhyme! hehehe :D ayus kilcher! para dito pala yung mga ‘tagalog na kelangan tagalugin’ na mga tanong ni krotone hehehe :D

  11. kilcher says:

    @erika

    hahaha, oo para dito yun. mantakin mong TAGAK at PARAK ang ibigay sa akin! :p

  12. kaye says:

    ‘-ak’ words lang naman sinabi mo e :P hehehehe.. :D

Leave a Reply

< / #content -->